Manila, Philippines – Binigyang diin ng Palasyo ng Malacañang na sumusunod at iginagalang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga itinakda ng batas.
Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap narin ng pagka-reinstate o pagbabalik sa serbisyo ni Police Superintendent Marvin Marcos at 18 iba pang pulis na sangkot sa pagkakapatay sa umanoy drug lord na si dating Albuera Mayor Rolando Espinosa.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, natapos na ang suspension order kay Marcos kaya maaari na itong bumalik sa kanyang trabaho.
Ito aniya ay kinumpirma na ni PNP Chief Director General Ronald Bato dela Rosa.
Pero sinabi din naman ni Abella na maaari din namang iapela sa National Police Commission ang kaso at bahala narin naman ang PNP-internal affairs office o IAS na ipaliwanag ang kanilang desisyon.