Malacañang, hindi ipag-uutos sa PSG na magbigay ng detalye sa FDA sa paggamit ng hindi rehistradong COVID-19 vaccine

33

Hindi ipag-uutos ng Malacañang sa Presidential Security Group na ibigay sa Food and Drug Administration (FDA) ang impormasyon sa kanilang paggamit sa hindi rehistradong COVID-19 vaccines.

Ito ang pahayag ng Palasyo matapos ihayag ni FDA Director General Eric Domingo na wala pa silang natatanggap na report mula sa PSG hinggil sa ginamit nilang Sinopharm vaccines noong nakaraang taon.


Sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi ito tungkulin ng Palasyo at mayroong investigative agencies para dito.

Matatandaang binigyan ng FDA ang PSG ng compassionate use permit para magamit ang Sinopharm vaccine noong Pebrero.

Facebook Comments