Friday, February 13, 2026

Malacañang, kinuwestyon ang pinanggalingan ng SWS survey sa rating ni VP Sara

Kinuwestyon ng Malacañang ang resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) na nagsasabing 54 porsyento ng mga respondent ang kuntento sa performance ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, nais nilang malaman kung saan at paano nakuha ang nasabing resulta.

Aniya, mahalagang malinaw kung ano ang pinagbabatayan ng ganitong rating.

Iginiit din ng Palasyo na anuman ang maging numero sa survey, hindi maikakaila na ang Pangulo ang patuloy na nagtatrabaho at tumutupad sa kanyang tungkulin, habang may ilan umanong mas inuuna ang ibang bagay.

Dagdag pa ni Castro, hindi dapat magsilbing panlilinlang ang mga survey sa publiko.

Aniya, mas mahalaga pa rin na makita ng taumbayan kung sino ang tunay na kumikilos at gumagawa ng responsibilidad sa pamahalaan.

Facebook Comments