Ayaw na munang magkomento ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles kaugnay ng isinusulong ng isang kongresista na palitan ang pangalan ng pambansang paliparan.
Ayon kay Angeles, premature pa para mag-isyu sila ng reaksiyon kaugnay ng nasabing panukala.
Aniya, wala pa nga sa first reading ang panukalang batas kaya’t masyado pang maaga para mag-isyu ng anomang komento kaugnay rito.
Ang panukalang House Bill 610 ay inihain ni Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves Jr., para palitan ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng Ferdinand E. Marcos International Airport.
June 30 pa naihain ang House Bill 610 kung saan iginiit ng kongresista na dapat lang maipangalan sa dating pangulo ang paliparan dahil naitayo ito noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Umani naman ng iba’t ibang reaksyon ang nasabing panukalang batas.