P600,000 halaga ng marijuana plants, sinira sa Lanao del Sur

Nadiskubre ng mga otoridad ang marijuana plantation sa Barangay Bago A Ingud, Tugaya, Lanao del Sur.

Matapos itong matuklasan, dali-daling nagkasa ng operasyon ang kapulisan.

Dito nila sinira at sinunog ang 3,000 fully-grown marijuana plants na mayrOong estimated standard drug price na P600,000.


Wala namang nahuling suspek sa naturang operasyon.

Samantala, ayon kay Philippine National Police officer-in-charge Lt. Vicente Danao Jr. ang serye ng uprooting at destruction ng marijuana plants ay halimbawa ng hindi nila pagkokonsinte sa ganitong gawain o negosyo at nangakong papanagutin ang sinumang responsable rito.

Facebook Comments