
Nanawagan ang Malacañang sa publiko na huwag mag-panic buying sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis dahil sa tensyon sa Middle East.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, may sapat na supply ng fuel at mga pangunahing bilihin sa bansa.
Sinabi ni Castro na bagama’t may pagtaas sa presyo ng langis, gagawin naman ito ng mga oil company ng staggered basis.
Binalaan din ni Castro ang mga negosyanteng maaaring mag-hoard o magtaas ng presyo nang hindi makatarungan.
Haharap aniya sa kaso at parusa ang sinumang mahuhuling nagsasamantala sa kasalukuyang sitwasyon.
Facebook Comments










