Nagbabala ang Malakanyang sa mga hindi sumusunod sa health protocol na ipinapatupad ng pahalahaan hinggil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ito ay matapos ang pagdagsa ng mga tao sa mall nitong weekend kasabay ng pag-iral ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, posibleng ipasara ang mga mall na bigong maipatupad ang mga health protocol tulad ng social distacing at hindi pagsusuot ng face mask.
Aniya, layon sana ng kauting pagluwag ng quarantine protocols ay para makabawi ang ekonomiya ng bansa sa naging epekto ng COVID-19.
Giit ni Roque, posibleng ibalik ang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) kung magpapatuloy ang mga tao sa pagsuway sa mga health protocol.