Tinawag na tagumpay ng Malakanyang ang naitalang mataas na datos sa employment rate ng bansa para sa buwan ng Setyembre.
Ayon kay Office of the Press Secretary OIC Undersecretary Atty. Cheloy Garafil, sisiguruhin ng gobyerno na mapananatili o mapagyaman pa ang 95% employment rate at ang National Econonic Development Authority (NEDA).
Sinabi ni Garafil na sa pamamagitan ng tamang mga polisiya at epektibong teknolohiya ay magagawa ng pamahalaan na mas mapahusay pa ang nasabing standing sa usapin ng employment ng bansa.
Inihayag ni Garafil na committed ang pamahalaan na mas mapalakas pa ang employment status at quality sa Pilipinas kasunod ng naitalang record low na unemployment rate.
Batay sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA), higit na mababa ang naitalang 5 percent unemployment rate kung ikukumpara sa mga asian major economies gaya ng China at Indonesia pati na sa bansang India.