Anim na porsiyento pa lamang ng mga target na public utility vehicles (PUVs) ang nakakuha ng kopya ng bagong fare matrix sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ayon kay LTFRB board member Mercy Jane Paras-Leynes, kabuuang 250,000 na mga PUVs ang inaasahan nilang mag-a-apply para sa fare matrix.
Pero dahil kakaunti pa lamang ang mayroong fare matrix, tiniyak ng ahensya ang mahigpit na pagbabantay sa mga kalsada para masigurong hindi maniningil ng taas-pasahe ang mga wala pang kopya nito.
Pinayuhan din ng LTFRB ang mga pasahero na isumbong ang mga pasaway na puv.
Papatawan naman ng P5,000 multa ang mga tsuper na hindi magpapaskil ng fare matrix alinsunod sa Joint Administrative Order No. 2014-001.
Facebook Comments