Aklan Provincial Athletic Association Meet 2024, pormal ng binuksan

Makato, Aklan – Opisyal nang nagbukas ang Aklan Provincial Athletic Association Meet 2024 na mayroong temang “4’s: Study and Sports, Soaring Success”, kahapon sa Aklan Sports Complex, Calangcang, Makato, Aklan.
Magtatagal ang provincial meet hanggang March 16, araw ng Sabado.
Nagsimula sa isang parade ang program kung saan ang mga atleta ay kasama ang kanilang coaches, assistant coaches, chaperon at iba pang officials.
Samantala, umabot naman sa 674 na delegasyon ang nakilahok ngayong taon, kung saan ito ay kinabibilangan ng 541 na mga atleta, 88 coaches, 14 assistant coaches at 31 na chaperon.
Ang maglalaban-laban na mga units sa provincial meet ay ang mga sumusunod:
Unit I (Altavas, Batan and New Washington)
Unit II (Banga, Balete, Libacao and Madalag)
Unit III (Lezo, Malinao, Makato and Numancia)
Unit IV (Buruanga, Malay, Nabas and Tangalan)
Unit V (Kalibo I and Kalibo II)
Unit VI (Ibajay East and Ibajay West)
Gaganapin ang regular sports, demonstration sports at paralympics sa Makato, Lezo, Malinao, Kalibo, Banga at Numancia.
Magiging kinatawan ng probinsya ng Aklan ang top performing student-athletes sa Western Visayas Regional Athletic Association (WVRAA) Meet na gaganapin sa Negros Occidental ngayong Abril.
Facebook Comments