OPERATION TIMBANG PARA SA MGA BATA SISIMULAN NA

Kalibo, Aklan – Sisimulan na sa lalawigan ng Aklan ang Operation Timbang para sa mga batang edad 0 hanggang 59 months old o yong mga wala pang limang taong gulang.
Ukol dito nanawagan ang Provincial Health Office PHO-Aklan sa mga magulang na may mga anak na nasa gano’ong edad na pumunta sa kani-kanilang Barangay Health Center para makunan ng timbang at masukat ang taas. Ang pakay nito ay para malaman kung nasa tamang bigat at taas ba ang mga bata at ang mga underweight at bansot ay mabigyan ng bitamina at maisailalim sa nutrisyon.
Maliban dito mag sisimula na rin ang Community-Based-Deworming para sa mga bata na nasa edad 12 months to 19 years old at Vitamin A Supplementation para sa mga batang edad 6 months hanggang 59 months old.
Facebook Comments