Maling paggamit ng confidential fund ni VP Sara, impeachable offense ayon sa isang kongresista

Naniniwala si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro na isang impeachable offense ang maling paggamit ni Vice President Sara Duterte ng confidential fund.

Pahayag ito ni Castro makaraang maglabas ang Commission on Audit (COA) ng Notice of Disallowance sa ginawang paggastos ng tanggapan ni VP Duterte sa P73 milyong pondo na bahagi ng P125 milyong confidential fund nito noong 2022.

Kabilang sa Notice of Disallowance ng COA ang:
• Reward Payment – 10 milyon
• Iba’t ibang produkto na ibinayad bilang reward – 34.857 milyon
• Gamot bilang pambayad ng reward – 24.930 milyon
• Pagbili ng mga lamesa, upuan, desktop computers, at printers – 3.5 milyon


Para kay Castro, malinaw ang punto ng COA na ang paggamit ni VP Duterte ng confidential fund ay hindi nakasunod sa Joint Circular No. 2015-01.

Bukod sa ₱125 milyong confidential fund na ginastos noong 2022, ay iginiit ni Castro na dapat ding suriin ang paggastos ni VP Sara ng ₱372 milyon sa ₱500 milyong confidential fund nito noong 2023.

Facebook Comments