
Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magiging malinis at maayos ang 2026 National Budget habang nagpapatuloy ang pagtalakay nito sa Kongreso.
Ayon sa pangulo, nakatuon ngayon ang pamahalaan sa pagbawas ng presyo ng mga materyales sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at sa paghahanap ng matitipid na pondo na maaaring ilipat sa mas mahahalagang sektor.
Ipinag-utos na aniya ng pangulo sa DPWH na bawasan hanggang 50% ang presyo ng construction materials, isang hakbang na posibleng magresulta sa P30 hanggang P45 bilyong tipid para sa gobyerno.
Kasabay nito, tiniyak ng pangulo na patuloy ang laban ng gobyerno laban sa red tape, overpricing, at korapsyon.
Kailangan din aniyang higpitan pa ang mga sistema para mas mahirapan ang mga tiwaling opisyal na abusuhin ang pondo ng bayan.
Giit ng pangulo, hindi madali ang paglilinis sa sistema, pero bawat hakbang ay papalapit sa mas tapat at epektibong pamahalaan.









