MANANAGOT | Isang magkasintahan, posibleng kasuhan matapos magkasundong magpalaglag ng bata

47

Manila, Philippines – Posibleng maharap sa kasong abortion ang isang magkasintahan sa Sta. Cruz, Maynila na nagsabwatan para ilaglag ang fetus sa sinapupunan ng babae.

Dahil dito, muntik ng malagay sa bingit ng kamatayan ang babae na si Nelly Tagapan matapos duguin kaya at patuloy itong inoobserbahan sa Jose Memorial Medical Center.

Nasa kustodiya naman na ng Manila Police District-Homicide Section ang lalaki na kinilalang si Jun-Jun Patigayon.

Aminado si Patigayon na apat na tableta ng cytotec, isang uri ng gamot na nagdudulot ng abortion, ang kanyang binili at ipinagamit kay Tagapan dahilan para malaglag ang may apat na buwan nang ipinagbubuntis nito.

Nalaman na lamang ang insidente ng ini-report sa pulisya ang nangyari sa babae habang nasa ospital ito.

Facebook Comments