Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang bayan ng manaoag bilang 100% drug-cleared sa awarding ceremony noong abril 6, 2026.
Ayon sa ulat, lahat ng 26 barangay ng bayan ay napatunayang malinis sa ilegal na droga.
Bilang pagkilala, ipinagkaloob sa bayan ang “balangay seal of excellence,” isang parangal para sa mga implementer ng Barangay Drug Clearing Program (BDCP) na nagpapakita ng natatanging kahusayan sa pamamahala, serbisyo publiko, at pagpapaunlad ng komunidad.
Ayon sa ahensya, tinitiyak ng programa ang sustainability ng drug-cleared status kung saan isinasagawa ang validation, monitoring at post-clearance support sa pangunguna ng pdea, Department of the Interior and Local Government (DILG) at philippine national police (pnp).
Kabilang sa mga dumalo ang barangay anti-drug abuse council (BADAC) at municipal anti-drug abuse council (MANAC).
Kaugnay nito, matatandaang inihayag ng PDEA na opisyal nang idineklarang drug-cleared ang manaoag noong setyembre 2025. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







