Thursday, March 12, 2026

MANGINGISDA, NAHULIHAN NG ₱20K HALAGA NG SHABU SA AGOO, LA UNION

Nahuli ang isang mangingisda matapos makumpiskahan ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit ₱20,000 sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay San Nicolas West, Agoo, La Union nitong gabi ng Marso 11.

Kinilala ang suspek na isang 36-anyos na binatang mangingisda at residente ng nasabing lugar.

Sa operasyon, nasamsam mula sa kanya ang tinatayang tatlong gramo ng hinihinalang shabu na may halagang ₱20,400, isang cellphone, at dalawang libong pisong boodle money na ginamit sa transaksyon.

Pinangunahan ang operasyon ng Agoo Municipal Police Station katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency Region 1 at iba pang yunit ng pulisya sa rehiyon.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Agoo Municipal Police Station ang suspek habang inihahanda ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya sa paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments