Manila Mayor Isko Moreno, nagbabala sa mga driver na nagka-cutting trip

Nagbigay ng babala si Manila Mayor-elect Francisco “Isko” Moreno sa mga driver ng pampublikong sasakyan.

Ayon kay Manila Mayor Isko, mawawalan ng sariling prangkisa ang mga driver na hindi sumusunod sa kanilang patakaran partikular sa mga hindi tumitigil sa pagka-cutting trip.

Ang cutting trip ay ang pagpapababa ng mga drivers sa mga pasahero sa lugar na malayo pa sa kanilang destinasyon para agad na makabalik at makasakay ng panibagong pasahero.


Dagdag pa ni Isko na personal niyang ihahain ang kaso sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa mga pasaway na drivers.

Facebook Comments