Manila Police District, naka full alert hanggang sa pagtatapos ng Eid’l Fitr sa Lunes

213

Manila, Philippines – Nakafull-alert status pa rin ang Manila Police District hanggang sa pagtatapos ng Eid’l Fitr sa Lunes, Hunyo 26.

Ayon sa MPD, kahit wala silang nakikitang banta na terorismo ay mas mabuting mapaigting pa rin ang seguridad ng ating mga kababayan.

Kaugnay nito, magdedeploy ng halos 500 mga pulis sa paligid na Quirino Grandstand at sa Golden Mosque sa Quiapo Maynila simula bukas ng gabi.


Makikipagunayan rin ang Muslim community sa mga pulis para sa maayos na seguridad hanggang sa pagtatapos ng Ramadan.

Facebook Comments