Ginang, huli sa entrapment operation ng Quezon City Police District

178

Manila, Philippines – Huli ang isang ginang sa isinagawang entrapment operation ng Quezon City Police District matapos ireklamo ng panloloko sa isang taxi driver.

Ayon sa taxi driver na si Edgardo Salilican, lumapit siya sa suspek na si Imelda Gilnogo na nagpanggap na fixer ng Land Transportation Regulatory Board o LTFRB para ipaayos ang kanyang prangkisa.

Pinangakuaan siya ng suspek na aayusin ito noong taong 2014 na binigyan pa niya ng tatlumpung libong piso ngunit hanggang ngayon ay hindi pa naisasaayos.


Samantala, sasampahan na ng kaso ang naturang ginang habang magsasagawa ang LTFRB ng imbestigasyon kung sino ang posibleng kakuntyaba ng suspek sa loob ng kanilang himpilan.

Facebook Comments