Tuesday, April 7, 2026

Manila residents, pinag-iingat sa mataas na heat index ngayong Abril 7

Nagbabala ang Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department (MCDRRMD) sa posibleng mataas na heat index sa lungsod ngayong Abril 7, 2026.

Ayon sa forecast, mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng umaga, aasahan ang heat index sa pagitan ng 31°C hanggang 39°C.

Samantala, mula alas-12:00 ng tanghali hanggang alas-5:00 ng hapon, inaasahang aabot ito sa 40°C hanggang 43°C, kung saan ang pinakamataas na 43°C ay matatamo bandang alas-3:00 ng hapon, na nasa ilalim ng Extreme Caution category.

Pinapayuhan ang publiko na:

-Uminom ng sapat na tubig
-Magsuot ng magagaan na damit
-Bawasan ang pisikal na aktibidad sa pinakamainit na oras
-Iwasan ang matagal na pagbibilad sa araw

Mainam din na manatili sa bahay kung walang mahahalagang lakad, at siguraduhin ang maayos na bentilasyon upang maiwasan ang heat-related illnesses.

Facebook Comments