Manny Pacquiao at Conor McGregor, posibleng magtapat sa boxing ring?

Usap-usapang ngayon ang posibleng labanan sa ring nina ni UFC Superstar Conor McGregor at ni Eight-Division Filipino Boxing World Champion Sen. Manny “Pacman” Pacquiao.

Ito’y matapos magpost si McGregor sa kaniyang twitter accout na “tinatanggap ko”, pero hindi nakalahad ang lahat na detalye.

Matatandaang nagtweet din si McGregor ng english version ng naturang pahayag na akala ay para kay UFC Welterweight Khazmat Chimaev.


Ngunit, nilinaw ni McGregor na hindi umano si Chimaev ang kaniyang pinatutungkulan.

Samantala, amindo naman si UFC Superstar Mcgregor na interesado siya na makasagupa sa ibabaw ng boxing ring si Pinoy champ Manny Pacquiao.

Mas lalong lumakas ang ispekulasyon tungkol sa isang Pacquiao-McGregor clash matapos lumagda ang Fighting Senator ng kontrata sa Paradigm Sports Management na kumakatawan din kay McGregor noong Pebrero.

Facebook Comments