DAHIL SA “MANOK NA PULA” isang Brgy. Treasurer ngayon ang nakakulong sa Iriga City, matapos nitong ipatalo sa sabong ang umaabot sa 269K pesos na nakalaan bilang pang-honorarium ng mga opisyal ng Barangay at gagastusin sana sa asembleya sa darating na Sabado.
Problemado ngayon ang isang lalaki na kinilalang si Gabriel Vargas y Toledanes, Treasurer ng Barangay San Isidro, Iriga City, matapos ipatalo sa sabungan ang pundo ng barangay nitong nakaraang linggo.
Tulad ng nasa kantang “MANOK NA PULA” inampon din ni Vargas ang linya sa pamamagitan ng pag-report kay Kapitan na “HINOLD-UP” umano siya at sapilitang kinuha mula sa kanya ang nabanggit na halaga.
Ayon sa report, nagpa-blotter pa umano ang suspect at ipinakita pa ang kanyang mga sugat at bugbog sa ulo at katawan para kumbinsihin ang pulisya at si kapitan na siya nga ay hinold-up at binugbog pa.
Subalit, hindi masyadong nakumbinsi si Kapitan Gary Meriño kung kayat nagsagawa siya ng pagsisiyasat sa tulong ng Police-Iriga.
Nadiskubre ng pulisya na nagbayad pala umano ng dalawang kaibigan ang suspect para paluin/bugbugin siya, upang ipalabas na siya nga ay na-hold-up.
Nadiskubre pa ng mga imbistigador na pumunta pala ang Treasurer sa isang Bigtime Derby kung saan ipinusta nito ang pera ng barangay. Talo, ubos ang perang dapat sana ay pang-honorarium at panggastos sa aktibidad ng barangay.
Labis din ang panghihinayang ni Kapitan Meriño dahil matagal na niyang katiwala sa mga financial matters ng barangay.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>