
Tiwala si Executive Secretary Lucas Bersamin na matatag pa rin ang pamahalaan sa kabila ng mga isyu ng maanomalyang flood control projects.
Ayon kay Bersamin, normal lang ang mga isyu sa pamahalaan dahil may mga yugto naman sa kasaysayan na nagkakaroon talaga ng mga tangkang destabilisasyon.
Sinabi rin ni Bersamin na wala rin silang nakikitang anumang banta laban sa administrasyon.
Hindi rin aniya apektado ang pangulo sa pagkaladkad ng pangalan ng mga senador at kongresista dahil naturang lang ito sa isang imbestigasyon.
Naniniwala rin ang gobyerno na makakabuti kung may iba’t ibang sekto na kikilos para makita ang mga kalokohan sa proyekto.
Bukod sa Senado at Kamara na kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon sa ghost projects, binubuo rin ngayon ang independent commission na magkakasa ng fact-finding laban sa mga maanomalyang proyekto.









