“Mas gusto ko pang matulog or magpahinga na lang.” – Vico Sotto sa kanyang buhay pag-ibig

Image via Facebook/Vico Sotto

“Wala talagang time. Talagang pag may free time ako, mas gusto ko pang matulog or magpahinga na lang.”

Ito ang tugon ni Pasig City Millennial Mayor Vico Sotto matapos tanungin sa isang news program kung mayroon siyang kasintahan.

Ayon pa kay Sotto, uunahin niyang ayusin ang mga problema kinakaharap ng lungsod katulad ng odd-even code traffic scheme at kakulangan ng gamot sa mga pampublikong ospital.


Pero aminado si Sotto na gusto niya rin ng makakasama habambuhay.

“Tignan na lang natin, Diyos na ang bahala kung paano mangyayari. Siyempre eventually, gusto mo rin naman di ba? But for now, focus-focus muna,” nakangiti niyang tugon.

Winakasan ni Sotto ang 27 taon na pamumuno ng mga Eusebio sa Pasig nitong halalan.

Facebook Comments