
Itinutulak ni Senator Jinggoy Estrada ang mas mabigat na parusa laban sa mga magpapakalat ng pekeng bomb threat.
Matatandaang sunod-sunod ang napaulat na fake bomb threats kamakailan sa mga paaralan at ilang tanggapan ng gobyerno.
Sa Senate Bill 1076 o “False Bomb Threat Prohibition Act”, naamyendahan nito ang Presidential Decree No. 1727.
Layon ng panukala na itaas sa anim hanggang 12 taon na pagkakabilanggo o multang ₱1 million hanggang ₱5 million o parehong parusa mula sa kasalukuyang parusa na limang taong kulong at multang ₱40,000.
Nais din ni Estrada na palawakin ang saklaw ng batas kung saan ang mga banta ng fake bomb threats sa social media, messaging apps at iba pang digital platforms ay ipinasasama na rin.
Iginiit ng senador na mahalagang maibalik ang tiwala ng publiko at matiyak ang kaligtasan ng komunidad.









