Mas mahigpit na seguridad sa paligid ng EDSA Shrine, asahan na

Asahan na ang mahigpit na seguridad mula sa Eastern Police District (EPD) sa paligid ng EDSA Shrine ngayong araw.

Sabi ni EPD Director Chief Superintendent Bernabe Balba, ito ay para maging mapayapa ang selebrasyon ng ika-33 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Itinaas aniya sa full alert status ang EPD para sa nasabing pagdiriwang.


Ibig sabihin, kanselado ang lahat ng leave ng mga personnel ng Philippine National Police (PNP).

Ayon pa kay Balba, magsasagawa ang district headquarters red team ng surprise inspection sa lahat ng police assistance desk para matiyak ang 100 na porsyentong attendance ng mga pulis.

Nabatid na tinatayang 1,100 pulis ang ipapakakalat sa EDSA Shrine.

Hinikayat naman ni Balba ang publiko na i-report sa mga otoridad ang anumang magaganap na untoward incident sa numerong 641-0877 o 0917-728-3790 o kaya ay magpadala ng mensahe sa kanilang Facebook account na EPD ang pamamarisan at twitter account na @epdpio.

Facebook Comments