Mas maluwang na requirements sa tatanggap ng bakuna, tiniyak ng Palasyo

Mas pinadali na ng pamahalaan ang proseso para sa pagpapabakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, pinapayagan na ang walk-in sa mga vaccination site.

Hindi na rin aniya required ang monitoring at evaluation ng blood pressure sa health screening bago magpabakuna, maliban na lamang kung:


– Mayroong history ng hypertension ang tatanggap ng bakuna
– Nakitaan ng sintomas ng hypertension o in distress
– Iba pang konsiderasyon base sa clinical judgement ng physician sa vaccination site.

Sinabi rin ni Nograles na ang pagpi-presenta ng medical clearance ay hindi na rin requirement, maliban na lamang sa mga sumusunod na pakakataon o sitwasyon:

– Mayroon autoimmune disease ang tatanggap ng bakuna
– Mayroong HIV, Cancer/Malignancy o transplant patient
– Pasyente na sumasailalim sa steroid treatment, o mga bedridden patients.

Dagdag pa ng kalihim, mas maluwag na ang requirements sa pagpapabakuna kaya’t hindi na dapat magdalawang isip na magpabakuna ang publiko laban sa COVID-19.

Facebook Comments