Tatlong anak ni Iya Villania, nagpositibo na rin sa COVID-19

96

Ibinahagi ng TV host/actress na si Iya Villania na nagpositibo na rin sa COVID-19 ang tatlo niyang anak sa gitna ng kanilang home isolation.

Sa social media post ni Iya, unang nagkaroon ng sintomas ng virus ang pangalawa niyang anak na si Leon, sinundan ng kuya nitong si Primo at ngayon ang kaniyang bunso na si Alana.

Ayon kay Iya, kabilang sa mga naging sintomas ng kanilang anak ang lagnat, sipon, ubo at pagsusuka.


Nauna nang ibahagi sa publiko ni Iya na nagpositibo sila sa COVID-19 ng kaniyang asawang si Drew Arellano.

Facebook Comments