Kalibo, Aklan— Magsasagawa ng massive COVID 19 Testing ang Provincial Health Office sa mga empleyado sa Kalibo International Airport ngayong linggo. Ito ang kinumpirma ni Engr. Eusebio Monserate ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at airport manager ng KIA sa panayam ng RMN DYKR Kalibo. Aniya, na ito ay kasunod ng pagpositibo sa COVID 19 ng 7 miyembro ng Airport Fire Fighting Unit (AFFU) at dalawa pa nilang staff. Base umano sa isinagawang pulong kahapon kasama ang PHO Aklan ay aabot sa mahigit 600 katao ang isasailalim sa swab test kung saan kalakip na rito ang ibang kawani ng mga ahensiya sa paliparan at mga nagtatrabaho sa mga airline companies. Nagpasalamat rin ito sa PHO-Aklan dahil ang gagawing testing sa mga airport personnel ay libre. Sa ngayon aniya ay kasalukuyan nilang inaayos ang listahan ng kanilang mga tauhan at bukas ay ipapasa na ito sa PHO. Dagdag pa ni Engr. Monserate na sa darating na Huwebes at Biyernes isasagawa ang swabbing at hindi rin umano ito makaka-apekto sa magiging operasyon ng paliparan. Malaking tulong rin umano ang naturang hakbang para mapataas pa ang kumpyansa ng publiko na dumaan sa ating paliparan. Sa kabilang dako sinabi rin nito na lubos na naapektuhan ng pandemya ang airline companies dahil malaki rin ang ipinagbawas sa mga byahe ng mga eroplano sa paliparan.
Mass testing sa lahat ng Airport personnel sa KIA isasagawa ngayong linggo
Facebook Comments