Massive information drive tungkol sa pagbabakuna, tutukan ulit – health expert

Dapat na tutukan muli ng pamahalaan ang pagsasagawa ng massive information drive tungkol sa pagbabakuna.

Ayon sa health advocate na si Dr. Anthony Leachon, ngayong tapos na ang halalan ay dapat na balik-trabaho muli ang gobyerno sa panghihikayat sa mga tao na magpabakuna sa gitna na rin ng banta ng mga bagong Omicron subvariant.

Kasabay nito, nanawagan din siya sa publiko na kumpletuhin ang kanilang bakuna para mapigilan ang posibleng COVID-19 surge sa Hulyo.


Samantala, iminungkahi rin ng health expert sa gobyerno na magsagawa ng imbentaryo sa COVID-19 vaccines para maiwasan ang pagkasayang sa mga bakuna.

Mainam aniya kung ipapadala sa mga probinsyang katabi lang ng NCR ang mga bakunang malapit nang ma-expire kaysa i-biyahe pa ng eroplano sa mga liblib na lugar kung saan wala namang cold chain facilities.

Maiiwasan din ang vaccine wastage kung uunahin nang bigyan ng booster shot ang mga healthcare workers at economic workforce dahil sa mataas nilang “vaccine acceptance.”

Facebook Comments