Construction Worker, Huli sa Pag-iingat ng Unlicensed Firearm sa Nueva Vizcaya

23
Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang 41-anyos na lalaki sa aktong pag-iingat ng hindi lisensyadong baril kahapon, May 15, 2022 sa Brgy. Palabutan, Dupax del Sur, Nueva Vizcaya.

Batay sa report ng Police Regional Office 2, kinilala ang suspek na si Leonardo Lumanga, isang construction worker, at residente ng Linawa, Brgy. Dopaj, Dupax Del Sur, Nueva Vizcaya.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, habang nagsasagawa ng police visibility ang kapulisan, bumaba ang suspek sakay ng kanyang kulay pulang motorsiklo na may plakang 4784 BK at bitbit ang kulay itim na bag na naglalaman ng baril.

Sinubukan ng mga awtoridad na pigilan ang suspek sa pag-alis ngunit hindi ito pinansin hanggang sa masakote sa isang compound ng nagngangalang Eddie Salgado.

Nabigo si Lumanga na magpakita ng kaukulang dokumento na nagpapatunay ng legalidad ng kanyang bitbit na baril kaya agad itong inaresto.

Nakumpiska sa direktang pag-iingat nito ang isang yunit ng Estrella Parco Cal .22 converted rifle,walong piraso ng live ammunition at motorsiklo.



Inihahanda na ang kasong paglabag sa Omnibus Election Code o Gun Ban laban sa suspek na nasa kustodiya ng PNP.

Facebook Comments