Natagpuang walang malay at palutang-lutang ang katawan ng isang 78 anyos na mangingisda na residente ng Bauang, La Union.
Ayon sa imbestigasyon, bandang 5:00 ng umaga pumalaot ang biktima upang mangisda. Gayunman, pagsapit ng 8:20 ng umaga, napansin ng ilang mga kapwa mangingisda na lumulutang na ang katawan ng matanda sa dagat kasama ang kaniyang kagamitan sa pangingisda.
Agad na rumesponde ang mga tauhan ng MDRRMO Bauang at sinubukan pang i-revive ang biktima bago dalhin sa Rural Health Unit (RHU) Bauang subalit idineklara na siyang Dead on Arrival (DOA) ng doktor.
Patuloy na nagpapaalala ang lokal na pamahalaan sa mga mangingisda na maging maingat sa laot lalo na sa mga oras na may pagbabago sa lagay ng panahon upang maiwasan ang kahalintulad na insidente.









