Tuluyan nagpakalbo ang aktor na si Matteo Guidicelli matapos pumasok sa army training nitong nakaraang linggo.
Pinost ni Guidicelli sa kanyang Instagram ang bagong hitsura at may caption na “Rangers lead the way. No backing down.”
Base sa lugar na naka-tag sa IG post ni Matteo, ito ay kinuhanan sa First Scout Ranger Regiment, Camp Tecson San Miguel Bulacan.
Matatandaan kasama rin ang racer at celebrity sa Philippine Army trip sa Cotabato at Zamboanga.
Facebook Comments