Matutulis na bagay nakumpiska sa mga deboto sa Quiapo

 

Madami-dami ng mga ipinagbabawal na gamit ang nakumpiska ng Office of Transportation Security (OTS) na incharge sa pagkumpiska sa mga ipinagbabawal na gamit sa Quiapo church.

Ayon kay OTS Terminal Chief Abegail Gatuz hindi na nila mabilang ang kanilang mga nakumpiskang lighter, sigarilyo, gunting, swiss knife, knuckles at workers tools.

Paliwanag ni Gatuz katwiran ng mga nahulihan, proteksyon lamang nila ito habang ang iba naman ay nakaligtaan nila sa kanilang mga bag habang ang ilan ay gamit ng mga manggagawa na nakalimutang iwan sa kanilang tahanan.


Mayroon ding nakuhanan ng ammunition na ginawang anting-anting.

Sinabi ni Gatuz maaari namang makuha ang mga kinumpiskang gamit ng mga manggagawa basta’t papalabas na ng simbahan at magpresinta ng ID.

Unang beses magkaroon ng xray machine sa pista ng Nazareno dito sa Quiapo kung kaya’t posible anyang kada taon ay magkaroon na nito upang matiyak ang kaayusan at kapayapaan sa Traslacion.

Facebook Comments