May-ari ng puneraryang pinagdalhan sa labi ng dinukot at pinatay na Korean na si Jee Ick Joo, pinaaresto ng hukom ng Pampanga

Manila, Philippines – Pinaaaresto na ng hukom ng Pampanga ang may-ari ng puneraryang pinagdalhan sa labi ng dinukot na South Korean businessman na Si Jee Ick Joo.

Kaugnay ito ng alegasyon naging kasabwat sa pagdukot at pagpatay kay Jee ang may-ari ng Gream Funeral Services na si Gerardo Gregorio Santiago.

Nagkatakda naman ng 100-libong piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.


Una rito, sinasabing pinatay sa sakal sa loob mismo ng PNP-headquarters sa Camp Crame ang Koreano saka dinala sa punerarya ni Santiago kung saan prinoseso ang cremation nito sa st. Nathaniel Crematory Services.

Sa imbestigasyon ng NBI, tinawagan si Santiago ng kapwa akusadong si SPO3 Ricky Sta. Isabel para i-dispose ang bangkay ng dayuhan kapalit ang 30-libong piso at golf set.

DZXL558

Facebook Comments