Manila, Philippines – Nakitaan ng Philippine Public Safety College(PPSC) nang limang pagkukulang ang Philippine National Police Academy (PNPA) kaya naganap ang pambubogbog sa anim na bagong graduate ng PNPA Maragtas Class of 2018 noong March 21 mismong araw ng PNPA graduation.
Batay sa resulta ng imbestigasyon na ginawa ng binuong board of inquiry ng PPSC, ang maliit na grupo ng mga kadete na nambugbog ay lumalabas na walang disiplina, hindi rin agad naaresto at naisailalim sa inquest proceeding ang mga nambugbog.
Lumalabas rin sa imbestigasyon na walang problema sa mga bagong police inspectors na mabugbog ng kanilang mismong underclass.
Kulang rin daw ng uniformed personnel na mahigit na nagbabantay sa mga aktibidad ng mga kadete at hindi rin nakakapasok ang mga security guards sa mga dormitoryo ng PNPA.
Dahil sa mga pagkukulang na ito, sinabi ni Dr Romeo Magsalos, National Police College Director na ay rekomendasyon na ang PPSC board of trustees.
Una dapat lahat ng mga aktibidad ng mga kadete ay dapat alam ng pamunuan ng PNPA, pangalawa dapat maagap na umaaksyon ang PNPA sa mga ginagawang iregularidad ng mga kadete, pangatlo dapat na palakasin ang samahan o fellowship ng mga kadete, at panghuli dapat na lagibg humihingi ng gabay ang PNPA sa DILG para sa pagpapatupad ng polisiya sa akademya.