Kisses Delavin sa kanyang pagiging solo artist

Makahulugang ipinarating ng Kapamilya teen star na si Kisses Delavin ang kanyang sagot sa mga fans at bashers.
Inilabas ni Kisses ang kanyang saloobin sa Twitter noong April 16 kung saan kanyang binigyang diin ang pagiging-solo artist niya na sinang-ayunan at sinuportahan naman ng kanyang mga fans.
Ang naunang naka-love team ni Kisses ay ang kanyang co-housemate na si Marco Gallo sa Pinoy Big Brother Lucky 7 ngunit hindi rin ito nag-tagal dahil sa kanilang unresolved issue sa loob palamang ng bahay ni Kuya.
Kamakailan lang, naipabalitang di umano ay isa kina Tony Labrusca at Donny Pangilinan ang ipapareho kay Kisses.
Sa kanyang tweet, sinabi niyang solo-artist lamang ang kanyang nakakapareha at walang ‘official loveteam’ na nabubuo. Dagdag pa nito,”I trust that you know there’s no use in fighting/bashing because people i work with right now have projects soon w/ a different partner”
Sinundan pa niya ito ng “We as artists are here in showbiz to inspire, make people happy, not the other way around.”
“To make a positive effect in this world, one person at a time, that’s the best legacy we artists can leave in this industry.”

Facebook Comments