Sa unang pagkakataon ay inihayag na ni Cotabato City Mayor Atty.Frances Cynthia Guiani Sayadi ang buo nitong suporta sa isinusulong na Federalism ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa kanyang pagdalo kahapon sa Federalism Summit para e-welcome ang mga Guest at participant ng naturang Summit na ginanap sa SKCC Complex sa ARMM Compound, sinabi nito na ang Federalismo ang sagot sa matagal ng problema sa mindanao, at tiyak mabigyan ng magandang kapangyarihan ang bawat lugar na mapaunlad pang husto ekonomiya. Full force ang lahat ng MRRD-NECC officials na pinangunahan ng kanilang presidente nasi DAR Secretary Atty.John Castrisciones at iba pa..Daan-daan ang dumalo na nagmula pa sa rehiyon ng ARMM at rehiyon dose. Ang MRRD-NECC ay abala sa pagpapalaganap ngayon ng usaping Pederalismo na siyang pangunahing isinusulong ni Pangulong Duterte. Sa huling mensahe ni Mayor Guiani Saydi, hiniling nito sa mga barangay Chairman sa lungsod na sumanib nasa MRRD-NECC. Si barangay RH-2 pa lang ang kapitan na miyembro ng MRRD-NECC mula pa noong tumatakbo pa si Duterte sa halalan.
Mayor Cynthia Guiani Sayadi suportado ang Federalism,hinikayat ang mga kapitan na sumali na sa MRRD-NECC
Facebook Comments