Philippine Airlines, magbabayad na ng utang

Manila, Philippines – Nagkasundo na ang Dept. of Transportation at ang Philippine Airlines sa isyu ng hindi nabayarang navigational fees at iba pang charges.
Batay sa joint statement na inilabas ng transportation department at ng PAL tinanggap na ng gobyerno ang alok ng PAL na bayaran ng buo ang mahigit anim na bilyong pisong hindi nabayarang fees sa Civil Aviation Authority of the Philippines at Manila International Airport Authority.
Bukod dito, nangako rin ang pal na gagawing updated ang lahat ng kanilang transaksyon sa CAAP at MIAA.

Facebook Comments