Mayor Vico Sotto, nanindigang hindi na interesado sa politika pagkatapos ng kaniyang huling termino

Inanunsiyo ni Pasig City Mayor Vico Sotto na wala na itong balak tumakbo pa sa ano mang posisyon pagkatapos ng kaniyang ikatlong termino.

Ang kaniyang pahayag ay kasabay ng kanyang pormal na pag-upo sa puwesto para sa kaniyang huling termino sa lungsod.

Aniya, malaya na itong gawin ang kanyang gustong gawin para sa ikagaganda ng lungsod ng Pasig.

Sa kaniyang talumpati, iginiit ni Mayor Vico ang kaniyang paninindigan para sa mabuting pamamahala.

Una rito, nanumpa na rin sina Pasig City Vice Mayor Dodot Jaworski kasama ang 15 konsehal ng lungsod.

Isinagawa ang panunumpa sa mga bagong halal na opisyal sa temporary city hall sa Barangay Rosario.

Facebook Comments