Mayorya sa mga Pilipino, magsusuot pa rin ng face mask sa outdoor spaces – OCTA

Mas maraming Pilipino pa rin ang pabor na magsuot ng face mask sa mga open spaces para mas maprotektahan ang kanilang sarili kontra COVID-19.

Batay sa survey ng OCTA Research, 30% sa mga Pilipino ang nagsabing ipagpapatuloy pa rin nila ang pagsusuot ng face mask, anim na buwan matapos ideklarang kontrolado na ang COVID-19 sa bansa; habang 28% naman ang patuloy na magsusuot ng face mask, isang taon matapos makontrol ang virus; 16% kahit dalawang taon pa ang makalipas; at 18% naman kahit limang taon pa.

Dahil dito, makikita na kahit hindi mandatory ang face mask policy sa bansa ay patuloy pa rin itong susuotin ng mga Pilipino.


Isinagawa ng OCTA ang naturang survey sa 2,400 na respondents, simula pa noong Abril 2022.

Facebook Comments