DILG Sec. Benhur Abalos, lusot na rin sa kumpirmasyon ng CA

35

Lusot na rin sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) si Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos.

Mabilis lang ang naging proseso at pagtatanong kay Abalos nang sumalang ito sa pagdinig para sa kumpirmasyon sa kanyang posisyon.

Si CA Majority Leader Lray Villafuerte ang nagmosyon na aprubahan na ang ad interim appointment ni Abalos na kinatigan naman ng buong panel.


Nausisa naman si Abalos sa devolution transition, karapatang pantao, operasyon laban sa iligal na droga, problema na pagsisikip sa mga kulungan at iba pang isyu na kinakaharap ng ahensya.

Matatandaang nagsilbing alkalde ng Mandaluyong si Abalos at dating chairman din ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Facebook Comments