Mayoryang mga Pilipino sa Lebanon, tumatanggi sa repatriation sa harap ng tumitinding tensyon doon

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na sa 11,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Lebanon na nais magpalikas, 1,000 na lamang ang nais na mag-evacuate.

Sa harap ito ng tumitinding tensyon sa Lebanon.

Ayon sa DFA, ang OFWs na nais lumikas ay ang mga baguhan sa nasabing bansa o wala pang dalawang taon at hindi sanay sa regional tension ng Lebanon at Israel.


Una nang umuwi ng bansa ang 356 OFWs mula Lebanon.

Patuloy naman ang panawagan ng DFA sa iba pang mga Pinoy sa nasabing bansa na umuwi na ng Pilipinas habang mayroon pang available na commercial flights.

Facebook Comments