Tumaas ng 80 percent ang kaso ng measles o tigdas sa buong mundo ngayon taon.
Ayon sa United Nation (UN), naantala kasi ng pandemya ang mga kampanya sa pagbabakuna sa non-COVID diseases sa buong mundo na maaaring maglagay sa panganib ng milyun-milyong mga bata.
Mahigit sa 17,300 na kaso ng tigdas ang naitala sa buong mundo noong Enero at Pebrero.
Mas mataas ito kumpara sa 9,600 na kaso sa kaparehong buwan noong 2021.
Nagkaroon din anila ng 21 measles outbreaks sa nakalipas na 12 buwan hanggang Abril kung saan karamihan ay nangyari sa Africa at silangang Mediterranean.
Sinabi naman ni Christopher Gregory, Senior Health Adviser ng UNICEF immunization section na hindi malayong tumaas din ang kaso ng iba pang mga sakit gaya ng yellow fever na nakukuha sa kagat ng lamok.