Meat Vendor sa Cauayan City, Umaaray na sa Tumal ng Bentahan

Cauayan City, Isabela- Umaaray na ang mga meat vendor sa pribadong pamilihan sa Lungsod ng Cauayan dahil sa napakatumal na bentahan ng karne sa kasalukuyan.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Boyet Taguiam, president ng meat section ng private palengke, problema aniya nila ngayon ang sobrang tumal ng mga bumibili lalo na sa karne ng baboy.

Ayon kay Taguiam, posibleng dahil na rin ito ng muling pagbabalik sa quarantine status ng Lungsod ng Cauayan sa General Community Quarantine (GCQ) Bubble na kung saan lalong hinigpitan ang pagpapatupad sa minimum public health standards sa ilalim ng GCQ guidelines.


Sa kabila ng matumal na bentahan, nananatili pa rin sa presyong P300 hanggang P350 kada kilo dipende pa rin ito sa klase.

Ang straight cut ay P300 kada kilo, P270 naman sa kada kilo ng pata; P280 ang kada kilo ng Maskara habang naglalaro naman sa P300 hanggang P350 ang kada kilo ng Liempo.

Sa karne naman ng kalabaw, naglalaro sa P360 kada kilo ng laman; P300 kada kilo ng Ribs; P220 hanggang P240 ang isang kilo ng Bulalo; P300 hanggang P320 naman sa pang papaitan samantalang sa karne ng baka, naglalaro lamang sa P340 hanggang P350 ang kada kilo ng laman; P280 hanggang P290 ang kada kilo ng Ribs; P200 kada kilo ng Bulalo at P290 hanggang P300 kada kilo ng pang papaitan.

Wala namang paggalaw sa presyo ng karne ng manok na nasa presyong P200 kada kilo.

Hindi rin gaanong nagbago ang presyo ng mga isda sa private market kung saan ang bangus ay nananatili sa presyong P170 hanggang P180 kada kilo; P130 ang kada kilo ng Tilapia; maliban na lamang sa Galunggong na tumaas sa presyong P240 mula sa dating P180 kada kilo at Japayuki na galunggong sa presyong P180 mula sa dating presyo na P140.

Nananatili naman sa P350 ang kada kilo ng Pusit at P480 kada kilo ng hipon.

Sa presyo naman ng mga iba’t-ibang gulay, narito ang presyo ngayon ng ‘Gulay baryo’:
Talong- P80 kada kilo
Okra- P35-P40 kada kilo
Sitaw- P40 kada kilo
Kalabasa- P30 kada kilo
Ampalaya- P40 kada kilo
Sili- P60 kada kilo
Kamote- P40 kada kilo
Camatis- P60 kada kilo
Patola- P20 kada kilo
Upo- P25-P30 kada kilo
Sa Baguio Vegetable naman, lalong tumaas ang presyo ngayon dahil pa rin sa kakulangan ng suplay nito: narito ang mga bagong presyo:
Repolyo- P150 hanggang P160 kada kilo mula sa dating presyo na P100
Carrots- P120 hanggang P140 kada kilo mula sa dating P80-P100
Cauliflower- P180 hanggang P160 mula sa dating P150-P160 kada kilo
Baguio Beans- P80 mula sa dating P60 kada kilo
Sayote- P60 mula sa dating P50 kada kilo
Patatas- P50 hanggang P60 kada kilo
Chinese Pechay- P120 hanggang P140
Gisantes- P200 kada kilo
Broccoli- P160 hanggang P180 kada kilo
Red Sili- bumaba sa P200 mula sa dating presyong P240
Celery- P120 hanggang P200 kada kilo

Nananatili rin matumal ang bentahan sa mga gulay dahil na rin sa pagtaas nitong presyo at sa limitadong galaw ng mga tao sa Lungsod.

Facebook Comments