Media, marapat lang na kasama sa prayoridad na mabakunahan

Pinasalamatan ni Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go ang pagtugon ng gobyerno sa kanyang hiling na isama ang media sa listahan ng prayoridad na mabakunahan laban sa COVID-19.

Pahayag ito ni Go, makaraang sabihin ng Inter-Agency Task Force (IATF) na isinasapinal na nito ang patakaran na nagsasama sa mga mamamahayag sa A4 group ng prayority list para maturukan ng COVID-19 vaccine.

Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA), ang A4 classification ay kabibilangan ng mga workers na may mataas na lebel ng inter-aksyon o pakikipag-ugnayan sa publiko at mga nasa sektor ng ekonomiya na mahalaga sa pagpapnatili ng seguridad at kaligtasan ng mga mamimili at mga manggagawa.


Diin ni Go, ang media ay napakaimportanteng sektor at maituturing ding essential workers dahil sa tungkulin nilang maghatid ng balita at tamang impormasyon sa publiko.

Ipinaliwanag ni Go na sa araw-araw na coverage ay palaging exposed ang media sa banta ng COVID-19 kaya dapat lang ilang maproteksyunan agad ng bakuna.

Facebook Comments