MEDICAL ASSISTANCE | Panukalang paggamit sa 1.161 billion pesos refund sa Sanofi Pasteur, bigong maipasa ng Senado

Manila, Philippines – Bigong naipasa ng Senado ang panukalang batas kung saan layong ilaan ang 1.161 billion pesos refund mula sa Sanofi Pasteur bilang medical assistance sa mga nabakunahan ng Dengvaxia.

Ito ay matapos mag-adjourn ang Senado pasado alas-dos kanilang madaling araw dahil sa kawalan ng quorum.

Ikinadismaya ito ni Senadora Loren Legarda, chaiperson ng senate committee on finance dahil naghintay siya na matalakay ang panukala.


Ayon kay Legarda, maghihintay ng dalawang buwan ang mga naturukan ng Dengvaxia para mabigyan ng medical assistance.

Nanghinayang din si Legarda dahil sinertipikahan din ng Malacañang bilang urgent bill ito.

Dahil dito, sa pagbabalik sesyon na nila sa Hulyo ito matatalakay.

Facebook Comments