Mega Star Sharon Cuneta, may say sa mga tumawag sa kanya na kadiri

Binalikan ni Mega Star Sharon Cuneta ang mga netizen na nangungutya sa kanyang mapangahas na role sa upcoming movie niyang Revirginized.

Ilang konserbatibong netizens kasi ang nagsabing kadiri raw at maeskandalo ang tequila body shot ni Sharon sa co-star niya na si Marco Gumabao sa beach party scene sa pelikula na nagpapakita sa cleavage ng mega star at ng pagdila niya sa asin sa dibdib ng aktor.

Sa kanyang Instagram post, hinamon ni sharon ang mga basher na saka na lamang sila magmalaki at magkadiri kapag 55-years old na sila tulad ng edad niya ngayon ay malapit lapit ang itchura ng mga ito sa kanya.


Sa kabilang banda, proud na proud si Sharon sa kanyang role sa Revirginized.

Facebook Comments