Megan Young, nagselos kay Andrea Torres

Inamin ni Miss World 2013 Megan Young na minsan niyang pinagselosan ang kapwa kapuso actress na si Andrea Torres.

Ito ay matapos isakay daw ng nobyo pa lamang niya noong si Mikael Daez sa kotse si Andrea.

Say ni Megan, magka-love team noon sina Mikael at Andrea sa kanilang bagong teleserye, at upang lubos na makilala at maging komportable ay inalok daw ng asawa niya si andrea na ihatid na ito sa kanilang bahay.


Ipinaliwanag ng actress-beauty queen na bilang isang artista, nauunawaan daw niya ang pinanggagalingan ng asawa, pero baka raw ma-misinterpret ni Andrea ang gesture ni Mikael at isipin na may gusto siya rito.

Gusto raw ni Megan na klaruhin ni Mikael ang limitasyon nila ni Andrea bilang onscreen partners.

Matapos naman ang insidenteng iyon ay nag-sorry si Mikael sa kaniya.

Nitong January 2020, ikinasal sina Megan at Mikael matapos ang sampung taong magkarelasyon.

Facebook Comments