Nananatili pa rin bantay sarado ng Manila Police District (MPD) ang Mendiola ngayong araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito’y upang masiguro na walang anumang grupo ang makakapagsagawa ng kilos-protesta.
Muling iginiit ng MPD na ipinagbabawal ang pagkakasa ng kilos protesta sa Mendiola at mga freedom parks lamang ito dapat isagawa.
Unang naharang ang mga grupo sa sektor sa agrikultura na nagkasa ng kilos-protesta kung saan tinangka nilang magtungo sa Mendiola.
Bagama’t hindi nakalapit, tinapos na lamang nila ang programa malapit sa Quezon Blvd.
Kaugnay nito, mananatili ang tauhan ng MPD katuwang ang force multipliers sa pagbabantay sa Mendiola hanggang sa matapos ang SONA ni Pangulong Marcos.
Facebook Comments